Baka nagtataka kayo kung bakit ganyan ang title ng post na to. Eh kasi ba naman ako ang inutusan ni Mrs. Bilgera na magkolekta ng pera para sa booth namin para sa Youth in Focus at tsaka para dun sa Pro Child. Ang hirap hirap maningil, sa totoo lang. Nararanasan ko na rin ang hirap na dinadanas ni Marla (siya yung treasurer namin sa classroom). Buti nga tapos na. Maraming di nagbayad kaya nakakainis. Ayaw ba naman makipag-cooperate. Grabe. Nakaka-frustrate talaga.
In other topics, nanalo ulit yung PCHS sa basketball kagabi. Champions na ang PCHS! Woohoo! Haha kaya lang di ko pinanuod kasi tinatamad na ako. Naghintay na lang ako sa labas ng gate kasama yung mama ko. One hour ako naghintay grabe. E yung shobe ko kasi gustong tapusin yung laban. Ewan ko ba dun. Adik kasi eh.
Hay. La na ako ibang masabi. Boring ang buhay ko ngayon.
Oo nga pala, yung tungkol sa taong kinwento ko dati (see the other post below), well, ganun pa rin ang sitwasyon. Medyo nagkalayo na kami. Siguro kasi ako ang may kasalanan. Ayoko na kasi makipagbiruan sa kanya. Sawang-sawa na ako. Buti nga lumalayo na rin siya sa akin. That way, walang complications. Di ba?