Haha ang saya kahapon. Pumunta kasi kami nina Dianne at Jennifer sa MOA para maglakwatsa. Dapat kasami namin si Josie kaso naiwan namin sa PCHS. E kasi late na siya eh kaya kala namin di na sya darating. Sayang. Baka nga bukas magtampo sya samin. Huhu.
Hay kakabagot nga e. Kasi dapat magbo-bowling kami tapos ice skating kaso under construction pa daw yung bowling alley! Tapos nung mag-iice skating na kami, nalaman naming 350 pesos pala isang tao pag weekends! Kupal! Kaya pumunta na lang kami sa Timezone para maglaro. Haha naadik ako grabe! Laro ako ng laro! Reload ako ng reload ng Powercard! Yung Value Pack binili ko eh. Dapat nga kinuha namin yung Powercard ni Alger para yun ang ubusin namin! Speaking of Alger, dapat kasami sila ni Howard sa outing namin kaso may ginawa si Alger tapos si Howard naman nahiya kasi puro kami babae. Bakit? Babae din naman sya ah.. haha JOKE!
Anyway, eto n po ang mga pics namin!

Mga paa namin LOL
My best friends..Jen and Dianne
Yan yung room no. namin nung nag-karaoke kami sa Timezone
Karaoke Screen haha!

Me and Jen
Ang aking Ultra Mighty Powercard!

Sa Timezone..Inii-spy-an ko yung mga tao!
Kain kami ng banana split!
Naghahanap ng kanta para sa karaoke!
Oo nga pala, HAPPY 15TH BIRTHDAY, KRYSTELLLL!!!!!!